Abante Tonite Interactive

Song Joong Ki nag-self quarantine

0 446

Lahat ay apektado ng pandemic na dala ng COVID-19. Napakaraming mga show, concert at event ang nakansela dahil dito.

Si Song Joong Ki ay kailangan din na mag-self quarantine ngayon.

Matagal-tagal din siya sa bansang Columbia na nag-shooting ng bago niyang movie na “Bogota.”

Noong January pa nagsimula ang shooting at ngayon lang sila nakabalik ng South Korea.

Tulad sa bansang Pilipinas at sa ibang bansa, naglabas na rin ang Colombian government ng restriction sa travel in and out of their country.

Balitang maayos naman daw na nakalabas ng Columbia at nakabalik ng South Korea ang cast at crew ng Bogota.

Ang agency ni Song Joong Ki, ang Hi-Story DNC ang nagkumpirma na magse-self-isolate muna nang dumating ito noong March 25.

“Song Joong Ki arrived safely today. Thankfully, there are no problems with his health. For the time being, he’ll be relaxing on his own.”