Abante Tonite Interactive

Song Mino may neck injury

By
1,178

Hindi maiwasang mag-alala ng mga tagahanga ng South Korean boy band na WINNER lalo na ng mga fan ni Song Mino.

Nag-worry ang mga ito dahil sa nakitang suot ng singer/rapper na neck brace sa recent performance nila.

Noong July 20, mag-perform ang WINNER sa water-themed music festival WATERBOMB 2018 in Seoul kasama ang iba pang mga South Korean artist tulad nina Tiger, JK, Bizzy, Jessi, Hyolyn at Nucksal.

Ipinaliwanag naman nila na si Song Mino nga ay nagkaroon ng neck injury at saka sila nakiusap sa mga tagahanga na sana ay maintindihan ang sitwasyon.

Nakasaad sa report ng soompi.com, “Asking for the fans’ unders­tanding, they expressed that they had wanted to go all out, but the rapper’s condition unfortunately relapsed.

Even with his neck brace, Song Mino gave it his all along with the other WINNER members as they performed their hit tracks like “Really Really,” “Island,” and “Everyday.”

Isang source mula sa agency ng WINNER na YG Entertainment ang nagpahayag na nagpapa-treatment na ito pero nagkaroon daw ng relapsed.

Sey ng source, “He has been receiving physical treatment for a while because of a herniated disc. He went to the hospital today because it had been improving but relapsed again.”

Si Mino ay isa rin sa miyembr­o ng variery show sa tvN go na ‘New Journe­y to the West’ season 5.