Abante Tonite Interactive

Song-Song couple career apektado sa diborsiyo

488

Rose Garcia

Karamihan ay ma-lungkot sa paghihiwalay ng Song-Song couple. Nandiyan pa rin ang ilang espekulasyon sa hiwalayan. Posibleng negatibo rin ang epekto nito sa career ng dalawa.

Sa part ni Song Hye Kyo, endorser siya ng maraming brand sa South Korea tulad ng Dyson, Amore Pacific, Vedi Vero at ICIS. Tinitingnan na ang isa sa posibleng maapektuhan ng divorce status ni Hye Kyo ay ang kanyang mga endorsement.

Ayon daw sa isang source mula sa advertising industry, “Song Song Couple served as advertising models for a number of brands, some are reported­ly considering replacing them due to rumors of conflicts as well as affairs spreading wildly on the internet.

“From the perspectives of companies that value­ brand image, they’re in a situation where they must quickly replace their advertising model.”

Ang household appliance brand na Dyson daw ay tila kinokonsider na i-edit ang mga lalabas pa nilang advertisement campaign. Magpapalit umano sila ng brand model.­ Ang iba pa niyang ine-endorse ay wala pa namang official statement na inilalabas.

Nasulat na rin na diumano’y tinanggihan ni Song Hye Kyo ang bagong legal drama na “Hyena” kasama si Joo Ji Hoon. Ang director sana ng drama ay ang director rin ng “My Love from the Star.”

Itinanggi naman ng UAA (United Artist Agency) na may kinalaman ang nangyari sa marriage life niya kaya ito tumanggi sa bagong drama.

Ayon sa UAA Korea CEO Park Hyun Jung, “Her personal life is unrelated to her work. ‘Hyena’ was simply one of the several scripts she was considering,­ and it was a drama that she had already turned down.”

Kaibahan naman kay Song Joong Ki na tila ang “Arthdal Chronicles” lang ang mapapanood muna.

Sa pamamagitan ng kanyang agency, ang Blossom Entertainment, humingi ito ng paumanhin sa mga nasaktan at na-disappoint na mga fan nila.

Ayon sa representative ng Blossom Entertainment, “For the time being, Song Joong Ki will be taking time off for himself without attending official events. Song Joong Ki is expected to begin filming ‘Lightning Ship’ in early July. The exact details for the shoot haven’t been released yet. He will focus on filming ‘Lightning Ship’ after the schedule is set.”

Hindi naman masagot ng agency ang personal schedule raw ng actor. “Because it’s the actor’s personal life, we cannot go into details. We ask for your understanding.”