Abante Tonite Interactive

Song-Song malaki ang utang na loob kay Jo In Sung

By
29

ANG kinababaliwan ng manager/columnist na si Lolit Solis sa lahat ng Korean actors ay si Jo In Sung.

Na dahil nasawi siya at hindi nakita ang Korean actor sa nakaraang Busan International Film Festival kunsaan, umasa itong makikita, nagkasya na lang ito at ipinost sa kanyang Instagram account ang edited picture na pareho raw sila ng damit.

Anyway, after 9 years since A Frozen Flower, mapapanood muli si Jo In Sung sa isang histori­cal period film na Ansi City.

Nagsimula na itong mag-shooting last month, August with In Sung as the lead actor at mapapanood sa 2018.

Siya ang gumaganap sa karakter ni General Yang Manchun, commander ng Ansi City at isang bayani na kayang i-give-up ang lahat para lang mapangalagaan ang kanyang bansa. Ayon sa soompi, “This is set to be Jo In Sung’s most charismatic­ role yet.”

Ayon kay In Sung, “I was more than happy to accept the offer for this role because I felt the scenario perfectly reflected what a strong and wise leader can do for their country.

The message the movie has is powerful and provides a new look into our history.  Just thinking about the large-scale battle we’re preparing gets me excited.”

Ang huling pelikulang ginawa niya ay ang The King noong isang taon. Sa Korean drama naman sa telebisyon ay noong 2014 pa ang It’s Okay, That’s Love.

Sa mga hindi nakakaalam, si Jo In Sung sana ang original choice para gumanap sa role ni Song Joong Ki sa Descendants of the Sun, pero tinanggihan nito dahil sa mga out-of-town at out-of-the country location taping.

Supposedly, second team-up na nila ito ni Song Hye Kyo. Sa halip, nirekomenda niya ang kaibigang si Joong Ki sa role na sa palagay niya raw ay bagay gumanap bilang si Captain Yoo Si-jin.

And as we all know by now, it seems, through Jo In Sung, nagkakilala, nagkasama at nabuo ang love story ng Song-Song couple. Yes, SongSong owe it to their friend, In Sung.