Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Song Yoo-Jung pumanaw na

0 258

Isang malungkot na balita ang bumungad sa unang araw ng Linggo sa South Korea. Ito ay ang pagpanaw ng actress na si Song Yoo-Jung.

Si Song Yoo-Jung ay napakabata pa sa edad na 25. Sa ngayon, hindi pa inilalabas ng kanyang agency, ang Sublime Artists Agency ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

May ilang espekulasyon, pero walang kinukumpirma ang agency ng actress. Namatay ito noong January 23 at sa January 25 ang funeral procession ng 1:30 p.m. KST.

Si Song Yoo-Jung ay nag-debut noong 2013 sa MBC’s “Golden Rainbow” . Marami ang nagkagusto sa kanya hanggang sa sumunod niyang show na “Make A Wish.”

Kasama rin siya sa KBS2 drama na “School 2017.” At naging part ng iKON’s music video.

Hindi man kasing-sikat pa si Yoo-Jung ng ibang actress, pero ang daming netizen na nalungkot sa maagang pagpanaw nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.