Abante Tonite Interactive

Songbird type maging ex ni Coco

726

tonite-pak-allan-diones

Bi­lang opisyal nang Kapamilya si Regine Velasquez-Alcasid, ang curious na tanong ng netizens ay kung maggi-guest din ba siya sa long-running primetime teleserye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probisyano”.

Game daw doon si Regine dahil biro nga niya, lahat ng shows sa Kapamilya network ay papatulan niya, pati news!
Pinuri ni Songbird si Coco na nakita niya nang dumalo siya kamakailan sa ABS-CBN Ball. Na-starstruck daw siya sa aktor dahil ang pogi nito at ang gentleman na parang mahiyain.

‘Kaaliw ‘yung pagbabalik-tanaw ni Reg na minsan na nilang tinapatan ang toprating series ni Coco nu’ng nasa GMA pa siya.

Goddess daw siya roon (sa “Mulawin vs. Ravena”) at namatay na silang lahat pa ang karakter niya na isang diyosa, pero so Coco ay buhay pa rin (sa “Ang Probinsyano”).

“Nag-try naman kami. We tried our best,” napapangiting sey ni Songbird, na nagbiro pang ang gusto niyang role ay ex siya ni Coco ‘pag nag-guest siya sa action-drama series nito.

Nabanggit din ni Reg na lahat ay alam ang “Probinsyano”. Nang mag-show daw siya sa Amerika ay hindi alam ng mga tao ang show niya, pero nang mabanggit niya ang show ni Coco at nagsigawan ang audience.

Pinuri rin niya ang pagiging masipag ni Coco, ang pagiging magaling nito at mabait sa mga katrabaho. Natutuwa rin daw siya na binabalik ni Coco ‘yung mga dating action star like Lito Lapid na sikat na sikat noong araw.

Hirit niya pa, may anting-anting si Coco, so huwag nang isipin kung kailan matatapos ang primetime series nito. Sa susunod daw ay pulis pangkalawakan na ito sa Mars!

Bukod sa pagpasok niya sa “ASAP” at pagiging isa sa judges ng “Idol Philippines” (local franchise ng “American Idol” at hindi ang napapabalitang “The Voice PH”), kasama sa 2-year-contract na pi­nirmahan ni Regine ang musical sitcom nila ng mister niyang si Ogie Alcasid na makakasama nila si Ian Veneracion.

First time daw magsi-sitcom si Reg at musical pa, kaya sobrang exci­ted siya. Kung magteteleserye siya ay ayaw niya raw ng masyadong drama dahil mas komportable siya sa light lang at masaya.

Sa “Gandang Gabi Vice” daw ang unang gues­ting ni Songbird dahil doon siya talaga excited sa lahat. Close sila ni Vice Ganda at sobrang proud daw siya rito kaya doon siya makikita soon.

At doon niya raw ia-announce sa “GGV” ang Valentine concert niya next year (na mukhang si Sharon Cuneta ang makaka-back-to-back niya).

Ni-reveal din ni Regine na kasama na siya sa Christmas Station ID this year ng ABS-CBN.

So, kung dati ay ang boses niya ang umaalagwa sa station ID ng GMA, this time ay sa SID ng bagong network na niya maririnig ang pagbirit ni Songbird.

Anak nina Vic, Coney tumakbong Mayor

Maraming nagulat sa big­lang pagtakbo ni Vico Sotto bilang Mayor sa Pasig City matapos ang dalawang taon bilang Konsehal sa nasabing lungsod.
Kasama niya ang amang si Vic Sotto at inang si Coney Reyes nang mag-file si Vico ng kanyang COC nu’ng Miyerkules.

Sabi ni Bossing, naniniwala siya sa mga adhikain at adbokasiya ni Vico sa pagpapalakad ng gobyenro sa ating bansa.

Si Coney ay emosyonal na sinabing lagi nitong pinagdarasal si Vico at ang bilin niya rito ay, “Trust God and do good”, at sana raw ay ma-fulfill nito ang plano ni Lord para sa kanyang anak.