Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sonza dadamputin sa Julia buntis fake news

0 196

Ni Nancy Carvajal

Posibleng isampa na ang kaso laban kay dating broadcaster Jay Sonza sa piskalya at maaaring mag-isyu rin ng arrest warrant ang korte kapag patuloy umano nitong binabalewala ang patawag sa kanya ng mga imbestigador, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nabatid na ipinatawag si Sonza ng NBI Cybercrime Division para magbigay ng kanyang panig ukol sa reklamong isinampa laban sa kanya ng aktres na si Julia Barretto hinggil sa pagkakalat ng balitang nabuntis ito ng aktor na si Gerald Anderson.

“He never showed up and did not send any representative. We are giving him a new subpoena, if he still will not show up, we can file the case and maybe the court can issue a warrant of his arrest,” ayon kay NBI Cybercrime Division head Vic Lorenzo.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10867 may kapangyarihan ang NBI na mag-isyu ng subpoena para humarap sa ahensya ang sino mang tao na iniimbestigahan o kapag may kailangan silang dokumento.

Nireklamo ni Barretto si Sonza matapos na ilahad nito sa kanyang social media account na nabuntis ni Anderson ang aktres noong pandemic lockdown.

Ayon kay Lorenzo, hiniling ni Barretto na imbestigahan ng NBI ang aniya’y walang katotohanan at iresponsableng mga pahayag na ginawa ni Sonza sa social media account nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.