Abante Tonite Interactive

Sophia ng Hong Kong waging Miss Global 2018

335

Itinanghal bilang Miss Global 2018 ang Psychological Therapist na si Sophia Ng mula sa Hong Kong.

Ginanap ang ikaanim na taon ng patimpalak sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila nitong February 11. Nag­laban-laban ang mahigit 40 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Ito ang ikatlong beses na ginanap sa bansa ang Miss Global dahil minsan na rin itong nag-host taong 2015 at 2016.

Abante Hiring – IT dep

Naglaban para sa korona sina Miss Hong Kong at Miss Canada. Sa huli ay ipinasa ni Miss Global 2017 Barbara Vitorelli ng Brazil ang korona kay Miss Hongkong, Sophia Ng.

Itinanghal naman na 1st Runner-up si Amber Bernachi ng Canada, 2nd Runner-up si Tamila Khodjaeva ng Uzbekis­tan, third runner-up naman si Seydina Allen ng Haiti at fourth runner-up si Pamela Lee Urbina ng United States of America.

Samantala, nakapasok ang Miss Philippines na si Eileen Gonzales sa Top 20 ngunit hindi pinalad na mapabilang sa Top 11.

Kapansin-pansin din na hindi na ito sumali sa mga kandidatang aakyat sa ending. Bitter daw ba ang Miss Global Philippines sa pagkanganga? Pinarata