Abante Tonite Interactive

Sophie Albert bagong babae ni Alden

901

Ang diva that you love, nu’ng isang gabi, pinanood ang “The Gift,” ang primetime drama na pinagbibidahan ni Alden Richards.

May mga eksena sina Richards, bilang Seph, at si Sophie Albert, bilang Helga, na nakapagkumbinsi sa inyong lingkod na bagay na bagay pala ang dalawa na maging magkatambal.

Ang ganda-ganda ni Sophie, huh! Sa kanyang mga extreme close up, virginal ang beauty, maamo ang mga mata, makipot ang bibig, closed pores kung pores ang face at habang siya ay pinagmamasdan mong maigi, parang lalong gumaganda ang hitad, sa true lang tayo.

Si Faulkerson naman, mas lalong tumingkad ang pagiging magandang lalaki sa pagsasama nila ni Albert dahil nga kagandahang babae talaga ito. Maamo rin at nagungusap ang mga mata nito. Talagang hindi puwedeng itanggi na mas may chemistry sila ni Sophie kesa du’n sa girl na pinatay ni Martin del Rosario, na Faith ang ngalan.

We have a new team up in our midst at nawa’y ang mga manunulat ng primetime drama, mapagtanto rin ang napagtanto ko.

Perfect tisoy meets comely tisay, saan ka pa, hindi ba naman?

Saka, dahil si Helga ay may gift to see dead people at si Seph naman ang gift ay to see the future, hindi ba waging-wagi kung mag-combine ang mga tanging kalakasan nila para mas madaling sugpuin ang kasamaan?

Who would have thought na si Sophie Albert pala ay pasok na pasok na maging leading lady ni Alden Richards? Naku, sa obserbasyon kong ito, nawa’y hindi major, major bashing at hating ang ibato kay Albert, huh.

Kung siya ang magiging bagong babae sa buhay ng Pambansang Bae bilang katambal, walang masama lalo na nga’t malaking-malaki ang posibilidad that kung mamaniobrahin, ang bagong pagsasamang ito, ginto ang aanihin.

Darren nililigawan si Cassy Legaspi

Ang diva that you love, hindi sure kung balitang kababalaghan ang tungkol sa diumanong panliligaw ni Darren Espanto kay Cassy Legaspi.

Makakatulong kaya ito para sa magandang binibini na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi?

Maliban kay Cassy, may pushing din na ang binata na palang si Espanto, may pagtangi nga ba kay Jada Avanzado?

Kung saan patungo ang kataka-takang chikang ito, tanging ang mga Pulis Pangkalawakan lang ang may alam.