Abante Tonite Interactive

Sophie pakakasalan ni Vin

1,180

Matindi ang hotness at kaseksihan ng aktres na si Sophie Albert. Kaya naman hindi nakapagtatakang inamin ng boyfriend niyang si Vin Abrenica sa isang interview nito kay Kuya Boy Abunda kung gaano niya kamahal si ­Sophie. Nasa plano na niya ang pagpapakasal sa aktres.

Inamin din ni Vin na nagkahiwalay sila noon ni Sophie, pero nagkabalikan din nang suyuin at ligawan niyang muli ang aktres.

“I realized na I can’t live without her,” sambit ni Vin.

“Opo, napag-uusapan na ang kasal… actually naalala ko nang una naming napag-usapan (ang kasal), medyo na-­awkward kami sa isa’t isa,” pag-amin pa ng aktor.

Inamin din niyang nang dumating na raw ang pamangkin niyang si Alas na anak nina Kylie Padilla at ng kuya niyang si Aljur Abrenica, tila nainggit siya at gusto na ring magkaroon ng sarili niyang Little Vin.

Nabanggit din niya habang umiiyak, kung gaano kamahal si Sophie, “We’re in a point in our lives na, I don’t know… tala­gang ramdam ko na mahal na mahal ko siya, eh. Na, wala nang iba…. Kung mawawala siya sa akin, sa tingin ko ay hindi na ako mag-aasawa, na tatanda akong mag-isa,” saad pa ni Vin. (Nonie Nicasio)