Abante Tonite Interactive

Sophie Turner may mental health problem

556

Ipinahayag ni Sophie Turner na pansamantala muna siyang mamamahinga sa pag-arte para mapagtuunan ng pansin ang kanyang mental health. Tatapusin lang niya ang HBO show na “Game Of Thrones.” Si Sophie na gumaganap bilang Sansa Stark sa nasabing fantasy seriesNay umamin na gusto niyang maging isang police officer.

Isiniwalat ni Sophie na isinasaalang-alang niya ang pagsali sa isang Police Academy. Inamin ng 23-anyos na aktres na pansamantala muna siyang lumayo sa showbiz world para pangala­gaan ang sarili.

Naisipan niyang mag-break sa trabaho para mapagtuunan ng sapat na oras ang kanyang mental health.

Naniniwala si Turner na sa tulong ng isang therapist at tamang medication ay bubuti ang kanyang kalagayan.

Pinuri niya ang kanyang fiancé, ang 29-anyos­ na si Joe Jonas, sa patuloy na pagsuporta sa kanya. Ito’y para mas maging matatag at maka­yanan ang pinagdaraanang depresyon.

“I love myself now, or more than I used to,” katwiran ni Sophie. “I’m now with someone that makes me realize, you know, that I do have some redeeming qualities, I suppose, and when someone tells you they love you every day, it makes you realize why that is, and I think it makes you love yourself a bit more.”

Sinabi ng British actress na sa ngayon ay ini-enjoy niya ang mahabang oras na kasama niya ang mapapangasawang si Jonas, pati ang mga magulang nito. (Lourdes Fabian)