Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Soriano, BVR bet mag-pro

0 135

Kagaya ng Premier Volleyball League (PVL), tinitingnan na rin ng Beach Volleyball Republic (BVR) na umakyat na rin bilang isang professional league.

Ibinahagi ni BVR co-founder Charo Soriano ang hakbang at pakikipag-usap na rin sa Games and Amusement Board (GAB) para matulungan sa pagtawid sa pro buhat sa pagiging amateur.

SM food to go Banner Ad

“Like the path that the PVL has taken, we are looking at professionalizing beach volleyball,” lahad ni Soriano sa isang joint press briefing Biyernes.

Ilan sa mga kilalang manlalaro ng liga na nagpasiklab rin sa 2019 Southeast Asian Games ay sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina, Bernadeth Pons at Angeline Marie ‘Dzi’ Gervacio na sumungkit ng bronze medal sa 11-nation, biennial sportsfest. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.