Abante Tonite Interactive

Sorpresang drug test ikinasa ng PDEA kontra truck driver

210

Nagkasa kahapon ng sorpresang ‘drug test’ ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga truck driver, at K9 sweeping ope­rations sa mga key container port nationwide.

Ayon kay PDEA Director Gene­ral Aaron Aquino, ito ay sa pamamagitan ng kanilang implementasyon ng OPLAN: “HARABAS”, sa koordinasyon ng iba pang government agencies, bilang bahagi ng ‘holistic approach’ ng ahensiya na masawata ang illegal drugs, at ma-promote ang ‘drug-free workplaces, harm-reduction and reformation.’

Ang mga ahensiyang katuwang ng PDEA ay ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Philippine National Police (PNP), Bureau of Customs (BOC), Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG), Manila International Container Port (MICP), International Container Service Terminal Inc.
(ICSTI), Asian Terminal Inc. (ATI), Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO).

Abante Hiring – IT dep

Unang ikinasa ang ‘Oplan Harabas’ kahapon sa mga container truck driver na nasa Manila International Container Port (MICP), North Harbor sa Tondo, Maynila; at Port of Manila, South Harbor, Port Area, Maynila, tricycle drivers na nakaparada sa MICP Access Road sa Manila. (Dolly Cabreza/Juliet de Loza-Cudia)