Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sorry kay Pacquiao malabo – Roque

0 41

Walang dahilan para humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Manny Pacquiao kaugnay sa hindi pagkakaintindihan ng mga ito.

Sagot ito ng Palasyo kay Cong. Monico Puentevella kasunod ng palitan ng salita ng Pangulo at ni Pacquiao sa media.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang dahilan para mag-sorry ang Pangulo sa senador dahil mayroong demokrasya at malaya ang sinoman na maglabas ng mga pahayag sa publiko.

SM food to go Banner Ad

“Wala pong dahilan para mag-apologize. Lahat po iyan ay kabahagi ng free market place of ideas, ang malayang merkado ng mga ideas,” ani Roque.

Matatandaang nagsimula ang palitan ng mga salita nina Pangulong Duterte at Pacquiao matapos sabihin ng senador na tatlong beses na mas matindi ang katiwalain sa kasalukuyang administrasyon kumpara noong nakalipas na administrasyon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.