Abante Tonite Interactive

Sorry na, puwede ba?

By
292

Kalimitan nang nagagamit ang salitang sorry.

Pero ano nga ba ang ­tunay na kahulugan ng katagang sorry?

Ang sorry ay nangangahulugan ng paghingi ng tawad -–pagkakamali man ito na sinadya o hindi sadya.

Huwag kang ­hihingi ng tawad kung tingin mo’y tama ang iyong ginawa. Pero hindi rin tamang mag-sorry sa bagay na paulit-ulit mo namang ginagawa.

Kung nag-aala­ngan kang ­lapitan ang ­taong nagawan mo nang atraso ay ­puwede itong tawagan o idaan sa sulat.

Pero mas magiging ­sinsero ang paghingi ng tawad kung may eye to eye contact o ­personal na kakausapin ang nagawan ng kasalanan.

Siguraduhin lang na kalmado ka at di kargado ng alak.

Ang tunay na ­pagso-sorry ay kusang ­pagtanggap ng iyong kasa­lanan at wa­lang halong pa­nu­num­bat.