Abante Tonite Interactive

Sorry ng Inquirer.net ‘di tinanggap ni Panelo

0 344

Hindi tinanggap ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang paghingi ng apology ng Inquirer.net makaraang i-report nito sa social media platform na nirekomenda niya ang pagkakaloob ng executive clemency kay rape-slay convict Antonio Sanchez.

“The apology as worded is unacceptable,” sabi pa rin ng chief legal counsel ng Malacañang.

“The apology prefaced it with an alleged clarification from me of what I meant in referring the letter of the daughter of Sanchez,” sabi ni Panelo.

Aniya, wala siyang dapat ipaliwanag, sinabi lang niya na nabigyan ng malisyosong kahulugan ng Inquirer.net ang kanyang ginawang referral sa sulat ng pamilya Sanchez sa Bureau of Pardons and Parole.

“It maliciously gave a wrong meaning and adverse imputation of the performance of an act which I never did therefore besmirching my character and reputation in the process,” pahayag pa nito.

“I educated it on the meaning of referral against recommendation and endorsement as against indorsement, and thereafter demanded a public apology from it.”

Nauna nang nagbanta na magsasampa ng kasong libel si Panelo sa Inquirer.net at Rappler kung hindi magpapalabas ng public apology. (Prince Golez)