Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sorsogon cong patay sa COVID

0 73

Pumanaw na si Sorsogon 2nd District Rep.Maria Bernadita “Ditas” Ramos matapos magpositibo sa COVID-19.

Inanunsiyo ito House Deputy Majority Leader Xavier Jesus Romualdo sa plenary session kahapon.

“It is with sadness that we just found out that our dear colleague, Rep. Maria Bernadita ‘Ditas’ Ramos of the 2nd district of Sorsogon has passed away,” ayon kay Romualdo.

Dahil dito, isang panalangin ang inalay ng kapulungan para sa namayapang kongresista na pinangunahan ni Pangasinan Rep. Christopher de Venecia.

Magugunitang inanunsyo noong Linggo ni House Secretary-General Jose Luis Montales na nagppsitibo sa COVID 19 si Ramos.

Pangalawa na si Ramos sa kongresista nasawi dahil sa COVID 19 matapos na una na ring pumanaw si Senior Citizens party-list Representative Francisco “Jun” Datol Jr. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.