Abante Tonite Interactive

Sorsogon host ng 63rd Palarong Pambansa 2022

407

Napili ng Palarong Pambansa Board ng Department of Education (DepEd) ang Sorsogon Province sa Bicol bilang host ng 63rd PP 2022.

Pinarating ang magandang balita kay Sorsogon Gov. Francis Joseph ‘Chiz’ Escudero ni DepEd Assistant Secretary Atty. Revsee Esco­bedo, na siya ring officer-in-charge ng Office of the Undersecretary Field Operations, HR-EWD & PD at DEACO.

“This Office wishes to inform you that the Palarong Pambansa Board has resolved declared the Province of Sorsogon as the Host for 2022 Palarong Pambansa approval date on the 24th day of June 2019 during regular Board meeting,” ani Escobedo sa 3-pages letter kay Escudero nitong Biyernes, Agosto 2.

Malugod ding binati ng abogado ang gobernador at kabuuan ng team nito sa remarka­ble achievement at nagpaabot ng dalangin para sa tagumpay ng probinsiya sa nalalapit na taunang paligsahan.

Nagpasalamat naman agad si Gov. Escudero sa DepEd.

“I would like to thank the Palarong Pambansa Board for declaring Sorsogon Province as the Host of 2022 Palarong Pambansa. Maraming salamat po,” ani Escudero.