Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sosyo si Mar: Korina mataas ang posisyon sa TV5

0 2,391

Unang lumabas sa Tonite ang isyung posibleng lumipat umano si Korina Sanchez sa TV5.

Pero hindi natatapos ang tsika tungkol diyan.

How true ang tsismis na gustong mag-invest daw ang kanyang mister na si Mar Roxas sa nasabing istasyon? Gusto raw niyang sumosyo.

Totoo bang susugal siya sa TV5?

Maingay rin ang tsika na magkakaroon daw ng mataas ang posisyon si Korina sa isang department sa Singko . Hindi kaya sa news and public affairs ito?

Ayon naman sa source, naka-focus daw si Ate Koring sa dalawa niyang anak ngayon. So, parang malabo na tumanggap pa ng posisyon sa ngayon. Enjoy na enjoy raw si korina sa kambal at wala naman siyang dapat patunayan pa.

May nakausap din kaming malapit sa TV host. Aniya, “Parang hindi lilipat si Tita K sa Singko. Yan ang pagkakaalam ko ha. Wala naman siya nabangit sa akin kahit halos every other day kami nag-uusap on the phone,” sey niya.

Well wait na lang natin ang susunod na mangyayari.

Show ni Kris pumirma ng kontrata sa Singko

Tuloy na tuloy na ang show ni Kris Aquino sa TV5.

“Signed na ang contract. May mga inaayos lang for the launch,” sey ng aming source.

Hindi malinaw sa amin kung si Kris mismo ang pumirma sa Singko o ‘yung producer niya para sa show.

Nakatakda raw ipalabas ang Love Life With Kris ngayong Agosto 15.

“’Yung teaser ng show ang shinoot ni Kris kahapon (July 28) sa TV5 studio,” lahad pa ng aming spy.

Halos confidential pa ang date kung kailan iere talaga ang mga bagong shows sa TV5.

May nagparating sa amin na nakatakda umanong ipalabas sa August 17 ang Rise and Shine morning show nina Pokwang, Pauleen Luna-Sotto,Ria Atayde. ‘Yung mga game show naman gaya ng “Fill in the Blank” nina Pokwang, Jose Manalo; “Bawal Na Game Show” nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola ay sa week ding ‘yan magsisimula.

Ang BL serye na “My Extra Ordinary” ay natsitsismis din na sa August 29 magsisimula.

Tuwing Sabado naman daw umano ang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.