Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto, 36ers bumalandra

0 190

Nawalang saysay ang pasiklab ni Kai Zahary Sotto nang tumilapon ang Adelaide 36ers kontra Illawarra Hawks, 89-100, sa Australia’s 44th National Basketball League 2021-22 regular season game sa Win Entertainment Centre sa Wollongong, New South Wales Lunes ng gabi.

Pasabog ang Pinoy import ng season-high 12 points at 5 rebounds, pero lugmok sa 3-5 win-loss slate ang Adelaide samantalang sumampa ang winning squad sa 4-4.

Hindi rin sapat para sa 36ers ang 20 markers, 3 boards at at assists ni Sunday Dech at ang iniskor ni Todd Withers na 15.

Natambakan ang 36ers sa third quarter, 59-81, pero pumalag pa sa paulan na four-consecutive three-pointers upang dumikit sa 83-98 sa huling 3:04 natitirang ng game.

Sunod kay Sotto at kampo ang Tasmania JackJumpers sa Biyernes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.