Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gilas nabibitin

0 96

Sotto na lang kulang

Swak na ang 19 sa 20-man Gilas Pilipinas training pool sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bubble para sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifier third & final window sa Clark Freeport sa February 15-23.

Isa na lang ang kulang ang ‘mabibinyagan’ sa national men’s basketball team na si Kai Zachary Sotto na magbubuhat sa Ignite team training sa Walnut, California para sa papasok na buwan ding 20th NBA G League 2021.

Pinakabagong pumasok sa Calambubble si Gilas Cadet pool member Dwight Ramos nitong Lunes mula sa two-week quarantine dahil galing ding California.

Siya ang bumida sa all-Cadet Gilas sa Fiba Asia Cup Qualifiers second window nitong Nobyembre sa Manama, Bahrain. Winalis ng Nationals sa two games ang all-pro Thailand.

Nangunguna sa Gilas pool na labo-labo sa 12-man PH quintet sina Philippine Basketball Association (PBA) stars Kiefer Isaac Ravena, Christian Jaymar Perez, Roger Ray Pogoy at Jeth Troy Rosario, at pro veterans Justin Chua at Raul Soyud;

Special draftees George Isaac Go, Joseph Matthew Nieto, Michael Joseph Nieto, at Rey Anthony Suerte.

At cadets Sean Dave Ildefonso, Calvin John Oftana, Justine Baltazar, Kemark Carino, William Raniel Navarro, Juan Gerardo Gomez de Liano, at Joaquin Javier Gomez de Liano.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.