Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto, Angara nagpaturok na

0 206

Nabakunahan na ng unang dose ng Sinovac vaccine si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III kasama ang kanyang asawang si Helen Gamboa.

“Hindi kami namili ng vaccine, basta sabi ko kung ano ang available `yon ang gamitin. As senior citizens, it’s a blessing to get vaccinated regardless of the brand,” sabi ni Sotto sa Facebook post nitong Sabado.

Makikita sa larawan na nakahawak si Sotto sa kamay ng esposa habang tinuturukan siya.

Samantala, inihayag din ni Senador Sonny Angara sa isang panayam sa radyo na nabakunahan na rin siya pero Sputnik V vaccine ng Russia ang tinurok sa kanya.

“Dapat kung ano ang available `yon ang tanggapin. `Yonn iba nga sa opisina namin humihingi ng Pfizer sabi ko wala kang kasiguraduhan na makakakuha,” sabi ni Angara.

Aniya, sa susunod na buwan pa siya tuturukan ng pangalawang dose ng bakuna kontra COVID.

“Nilagnat ako, saka medyo bumigat ang braso for 72 hours at saka may sakit ng ulo,” kuwento ni Angara hinggil sa kanyang naramdaman matapos mabakunahan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.