Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto bilib kay Saso, ICTSI

0 21

Pinapurihan ni Senate President Vicente Sotto III si Yuka Saso sa makasaysayang pagkakapanalo sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Sa dalawang pahinang resolusyon, binanggit ng mambatas Martes na isang malaking tagumpay ang naabot ng Pinay-Japanese nang magkampeon pinakamatagal ng major golf event sa mundo, bukod pa sa naging unang Pinoy o Pinay na nanalo ng major event, at ikalawang tinedyer pa lang na nanaig dito pagkaraan ng Koreanang si Inbee Park noong 2008.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi rin kinaligtaan ni Sotto na pasalamatan ang International Container Terminal Services, Inc. na pag-aari ni Don Enrique ‘Ricky’ Razon Jr., ang isa sa mga nasa likod sa tagumpay ng top Philippine shotmaker.

“Special thanks to ICTSI’s Ricky Razon for the success of Yuka Saso,” anang lawmaker sa kanyang Senate Resolution No. 743.

Ang nasabi ring kompanya ang nagtataguyod sa isa pang LPGA Tour campaigner na si Bianca Isabel Pagdanganan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.