Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto binira FDA sa mga hindi rehistradong gamot

0 85

Kinalampag ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang kabagalan sa pag-aapruba ng Food and Drugs Administration (FDA) na isang dahilan kung bakit maraming hindi rehistradong gamot ang ginagamit o iniinom ng mga Pilipino.

Ipinahayag ito ni Sotto nang matanong sa panayam sa kanya nitong Sabado sa radyo kung hindi ba umano indikasyon ang napapabalitang pagpapaturok ng ilang Pinoy ng bakuna kontra COVID dahil sa kabagalan na rin ng FDA.

“Napakatagal ng panahong tama ka. Napakatagal na, napakagabal, napakaraming ganun,” sagot ni Sotto.

Marami aniyang gamot at maging herbal medicine ang nakabinbin sa FDA ang aplikasyon subalit ginagamit na sa buong bansa ng ating mga kababayan a hindi naman nakakasuhan ng ahensya.

Tungkol sa imbestigasyon sa mga nagpaturok ng bakuna laban sa COVID, sinabi ni Sotto na wala namang batas na kapag uminom ng gamot na hindi rehistrado sa FDA may kasalanan na ang isang tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.