Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto binisto P20M suhol sa prangkisa ni cong

0 237

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na ibinalik nila ang P20 milyong “lobby money” na galing sa isang kongresista kapalit ng pagpasa ng isang franchise bill.

Una rito ay ibinunyag ni Senador Panfilo Lacso ang tungkol sa lobby money na ipinadala diumano sa tanggapan ni Sotto.

“Maybe I should disclose this. There was a time, I think this was during the last Congress na merong nagpadala sa office nya (Sotto) ng sabihin nating pera na lobby money from a congressman,” pahayag ni Sotto sa online interview ng mga reporter.

Hindi naman binanggit ni Lacson ang pangalan ng nasabing kongresista. “Hindi ko na babangitin kung sino dahil mayroong pending na measure, legislative franchise actually na pending sa plenaryo,” sambit pa nito.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Lacson, nangyari iyon noong kauupo pa lang ni Sotto bilang Senate president.

“Actually kaya rin kita kinausap kasi hindi lang naman ako maka-decide kasi hindi naman para sa akin lang ito. In-indicate na para sa.. hindi lang sa kanya,” sabi umano ni Lacson nang kausapin niya noon si Sotto.

“So sabi ko ako ang position ko is isauli natin, kasi meron nga akong ganyang sinusunod na pansariling panuntunan. Sabi nya ganun din talaga nasa isip ko, so isinauli namin,” dagdag pa nito.

Kinumpirma naman ni Sotto ang sinabi ni Lacson. “Twenty (20) million,” sabi ni Sotto nang tanungin kung magkano ang lobby money na pinadala sa kanyang tanggapan.

Nang tanungin kung nangyayari pa ito sa ngayon, sinabi ni Sotto na, “Wala na. Nadala na sa amin siguro.” (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.