Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto binutata si Pope: Ayaw sa kasalang LGBTQ+

0 123

Duda si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III kung magiging ligal ang pagpapakasal ng mga same-sex couple sa Pilipinas sa kabila ng pag-endorso ni Pope Francis sa legal partnership ng mga nasa LGBTQ+.

“I doubt it,” reaksyon ni Sotto nang matanong hinggil sa pahayag ni Pope Francis.

“Same-sex union is already being practiced here and there is nothing we can do about it. Same-sex marriage is the one which is not acceptable to many religions and other sectors,” ani Sotto.

“It’s just tolerated but not in the legal sense. We should leave it at that. Baka mapainitan pa,” dagdag pa nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na matagal nang pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa same-sex civil union.

“The President has said it over and over again, pabor po siya sa isang batas na magre-recognize ng civil union sa same-sex relationships,” ani Roque.

Sa tanong kung makakapasa ba sa Kongreso ang isang batas para sa same-sex civil union, sinabi ni Roque na depende aniya ito sa prayoridad ng mga mambabatas.

“Pero with no less than the Pope supporting it, I think even the most conservative of all Catholics in Congress should no longer have a basis for objecting,” ani Roque.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.