Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto, dating katropa galit-galit sa qualifier

0 59

Nagdilang anghel si Kai Zachary Sotto nang matupad ang pangarap na makalaban ang dating teammate sa Ignite ng NBA G League sa Estados Unidos na si Princepal Singh ng India.

Makakasalpukan ng 19-year-old, 7-foot-2 Pinoy phenom at PH 5 si Singh at Indians sa Group A kasama ang New Zealand at rival South Korea sa 2021-22 Asia and Oceania Qualifying ng 19th FIBA (International basketball Federation) 2023 World Cup na iho-host ng bansa, Japan at Indonesia.

SM food to go Banner Ad

Didribol ang mga Qualifier game sa parating na November 2021 at February, March, June at July 22 sa home-and-away format. Susulong ang World Cup proper sa Aug. 25-Sept. 10, 2023.

Minsang nabanggit ni Sotto na isa sa wish niya ang makalaban ang 20-taong-gulang, may taas na 6-9 na Indian na nakasama niya ng ilang buwan sa G League squad noong 2020 . (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.