Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto: Face shield alisin na

0 101

Nagpahayag na rin ng kanyang opinyon si Senate President Vicente `Tito’ Sotto III hinggil sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Sa isang radio interview nitong Sabado, ang pahayag ni Sotto ay taliwas sa paniniwala ng Department of Health (DOH) at maging ng Palasyo.

“Tignan mo ibang bansa wala nang mask kasi marami na nagpapabakuna dito sa atin nag-face shield pa, ano bang klaseng diskarte `yang face shield na ‘yan,” ani Sotto.

Para sa senador, ang face shield ay para lamang sa mga nasa ospital at hindi sa mga nasa pampublikong lugar.

SM food to go Banner Ad

“Alam mo ba ang face shield ginagamit `yan sa ospital. Hindi sa kalsada na naglilinis ng bakuran. Hindi doon, tama na ang mask,” ayon pa sa senador.

Dagdag pa ni Sotto, bukod sa mainit ay maaaring dumami pa ang aksidente kapag pinilit na pagsuotin ng face shield ang mga driver.

Matatandaang naging mainit na isyu kamakailan ang face shield matapos simulan ni Manila Mayor Isko Moreno ang ideya na itigil na ang pagsusuot nito, na agad namang kinontra ng mga ahensya ng gobyerno, partikular na ang DOH. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.