Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto ilalabas bangis vs Serbia

0 142

May tatlong motibasyon si Kai Zachary Sotto sa laban ng International basketball Federation world No. 31 Gilas Pilipinas sa world no. 5 at host Serbia Huwebes ng madaling araw sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2020 sa Belgrade.

Nangunguna rito na maipadama niya sa kalaban ang pag-angat ng kalibre ng Nationals sa pagkakadagdag niya kahit tigasin ang mga Serbian.

Hangad din ng 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom buhat sa Las Piñas ang maipaghimagsik ang Batang Gilas ‘Pinas sa Serbians nang tambakan sila sa 2019 Heraklion FIBA Under-19 World Cup, 60-87.

At maipaghiganti ang 67-126 taob ng Gilas ‘Pinas sa 2019 Foshan FIBA World Cup din.

SM food to go Banner Ad

“One day to go,” tanging naibulalas Martes ni Sotto sa kanyang social media account sa pinakahihintay na duwelo kontra home bet.

Kasama ang kakampi ngayon sa Gilas men na sina Carl Tamayo at Geo Chiu, hindi makakalimutan ni Kai ang dalawang manlalaro ng Serbia na kasama sa 16 katao pool dito na isasabak sa torneo para sa nakatayang silya sa 2020 Tokyo Olympics sa Tokyo, Japan na inusog ng pandemya noong isang taon pa-July sa taong ito.

Nasa Serbian men’s squad din dito sina Filip Petrusev at Dalibor Ilic na tumalo sa Gilas youth sa Round of 16 ng U19 World Cup. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.