Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto, Gilas sabak sa FIBA Qualifier

0 50

Makakagirian ng inaasahang pangungunahan ni Kai Zachary Sotto na Gilas Pilipinas ang tatlong bansa sa pagdribol ng Asia & Oceania Qualifiers ng 19th International Basketball Federation World Cup 2023 simula sa parating na November-February, March, June at July 2022.

Base sa official draw sa Patrick Baumann House of Basketball sa Mies, Switzerland Martes ng gabi (Manila time), ang mga makakatuos ng PH quintet ay ang New Zealand, South Korea at India sa pagsama sa Group A.

Kahit sigurado na sa puwesto sa 32-team ang mga Pinoy at Japan dahil co-host ng 2023 FIBA World Cup kasama ang Indonesia, ipinahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Alfredo Panlilio, na lalaro pa rin ang Nationals sa qualifying bilang paghahanda sa tournament proper.

SM food to go Banner Ad

Kailangan namang makasampa ng quarterfinals ng Indonesians sa Asia-Oceania event upang mag-qualify sa World Cup.

Napadpad sa Group B ang Australia, China, Japan, at Chinese Taipei; sa Group C ang Jordan, Lebanon, Indons, at Saudi Arabia; at sa Group D ang Iran, Kazakhstan, Syria, at Bahrain.

Maglalaban-laban ang mga koponan via six tournament windows sa loob ng 15 buwan. Tatakbo ang qualifiers mula Nobyembre 2021-Pebrero 2023 via home and away games format. Tatalbog ang first round ng qualifiers sa Pebrero-Marso at Hunyo-Hulyo 2022. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.