Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto hahasain ng Gilas, PBA

0 55

Hindi man nakapaglaro sa 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021, kumpiyansa pa rin si Kai Zachary Sotto sa opotunidad na mapapala kasama ang Philippine Basketball Association (PBA) players sa Gilas Pilipinas.

Hindi na makapaghintay na makaensayo ang national national pool sa Inpire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna, pinagpalit ng 18-anyos, 7-3 ang taas na Pinoy cage phenom ang Gilas stint sa Team Ignite na lalaruan niya dapat sa G League sa USA.

“Marami pa akong kailangang i-improve. Hindi pa ako ‘yung perfect player, hindi pa ako ‘yung best version of myself. Kaya sinusulit ko ‘yung bawat araw na may time akong makapag-workout,” wika Huwebes ni Sotto na naka-quarantine pa rin mula nang dumating sa ‘Pinas galing Unites Sates nitong Feb. 2.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sasama ang Las Piñas native sa Philipine squad na aalis bukas pa-Doha, Qatar upang tapusin ang tatlong laro sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third & final window sa February 18-22.

“Gusto ko lang ngayon na makapag-bond ng maayos sa mga magiging teammates ko kasi halos lahat ng mga player sa Gilas, first time ko makakasama . Hopefully maging malakas ‘yung bond namin dahil makakatulong ‘yun sa upcoming games,” panapos ni Sotto. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.