Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto hindi pinabalik sa Ignite, G-League

0 63

Masaklap ang nangyari kay Kai Zachary Sotto nang hindi na tanggaping makabalik at makapaglaro pa sa Team Ignite na kumakampanya sa ongoing 20th National Basketball Association (NBA) G League 2021 sa United States dahil sa pandemya.

“Kai and the team both understood the challenges for him to rejoin Ignite given the current international travel constraints, quarantine times and health and safety protocols,” bulalas ni NBA G League president American Shareef Abdur-Rahim nitong Martes.

Hinirit pa niyang maaring maging bahagi pa rin ang 18-year-year, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ng Ignite sa hinaharap at dinalangin ang patuloy na tagumpay ng player hanggang maabot ang pangarap na makapag-NBA.

Umalis ng America si Sotto at dumating ng ‘Pinas nitong February 2 sa pagpayag ng kanyang coach sa Ignite upang mag-reinforce sa Gilas Pilipinas sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third & final window sa bansa nitong Feb. 18-22.

Pero kinansela ang event sa Clark dahil sa Covid-19, nilipat sa Doha pero ‘di rin natuloy kaya naudlot din ang ‘binyag’ niya sa PH men’s senior team bago bumalik ng Tate para humabol sa Ignite. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.