Abante Tonite Interactive

Sotto inakay ang Ateneo sa twice-to-beat

By
180

Tuloy ang pag-arangkada ng 7-foot-1 na si Kai Sotto sa UAAP 81 juniors basketball.

Sa panalo ng Ateneo Blue Eaglets kontra sa Adamson High School, 72-59, nitong Linggo sa FilOil Flying V Centre, nagpakitang gilas agad si Sotto para pagtibayin ang puwesto bilang nangunguna sa MVP race.

First half pa lang ay kumolekta na agad ng 11 points, pitong rebounds at tatlong assists para itarak ang 16 puntos na kalamangan sa halftime.

Hindi na nakabangon pa ang Adamson, tumapos si Sotto ng may 17 points, 15 rebounds, limang assists at dalawang blocks, samantalang ang kapwa sentrong si Geo Chiu ay sumapul ng 18 points, 10 boards at apat na supalpal.

“I’d like to give credit to our bigs. They were fighting for it the whole time,” ayon kay Blue Eaglets coach Reggie Varilla.

Sa panalo, nasigurado ng Ateneo ang kanilang puwesto bilang second seed tangan ang twice-to-beat disadvantage, haharapin ang Far Eastern University-Diliman sa Final Four match-up.