Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto wapakels sa mock draft

0 105

Nawala ang pangalan ni Kai Sotto pero pasok sa No. 5 si Fil-Am Jalen Green sa latest mock draft na pinakialaman ni Jonathan Wasserman ng Bleacher Report

Kung nag-draft na aniya ngayon sa 2021 NBA season, magiging first rounder si Green.

Oklahoma City Thunder ang fifth pick mula sa Houston Rockets.

Teammates sina Sotto at Green sa special team Ignite sa NBA G League.

Makakaliskisan ang tikas ng team Ignite laban sa 17 G League regular squads sa tip off ng bubble tournament sa February.

Sa projection ni Wasserman, mas mauuna pang mapipili sa draft ang isa pang kakampi ng 18-year-old, at 7-foot-3 Pinoy phenom at ni Green sa Ignite na si forward Jonathan Kuminga.

Puwede aniya si Kuminga sa No. 3 papunta sa Washington Wizards.

Dati nang nabanggit ni Sotto na walang kaso sa kanya kahit mawala ang pangalan niya sa listahan ng mock draft. Projection pa lang naman ‘yun, malayo pa ang actual draft.

At hindi naman ang mga humuhula ang pipili kundi mismong teams.

Si Cade Cunningham ng Oklahoma State ang nakapako bilang top pick sa susunod na draft. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.