Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto inuurot utol na magbasketbol

0 314

Napakabata pa, pero napakatangkad na rin ng kapatid ni incoming 44th National Basketball League (NBL) Australia rookie Kai Zachary Sotto.

Kaya lang mukhang kaparehong sport ng kuya at ama niya ang tatahakin din ng 11-taong-gulang pa lang pero may taas ng 6-1 na si Erin Sotto.

Base ito sa isang pagtitipon sa United States para sa 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom na isinaayos ng kanyang handler na US-based EastWest Private (EWP.

Naging tampok din sa okasyon ang ate ni Sotto na si Erin, kasama sina former Gilas Pilipinas women’s team member Jack Danielle Animam at Fil-Am Ella Patrica Fajardo, at national coach Patrick Henry Aquino.

Sa Instagram account ni Kai pinatikim siya sa kanyang mga follower ng isang video na rito’y nagbuslo ang kapatid.

“Watch out for my 6-foot 1, 11 year old sister,” anang nakatatandang Sotto.

Halos sinegundahan naman ng EWP ang pahayag ni Kai nang i-post din sa IG nila ang, “Philippine National Teams never looked back so bright for futures to come.”

Pabalik-balik sa Amerika si Aquino sa pag-agapay ng Fil-Am Nation para sa paghahanap ng talento sa Pinay quintet.

Nagbabakasakali naman si Animam na makapaglaro sa anumang liga roon. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.