Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto kakalkalin CPP-NPA galamay sa Senado

0 271

Ipasisiyasat ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang mga kawani ng Senado na galamay diumano ng mga rebeldeng komunista.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos mag-post si National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Monteagudo sa kanyang Facebook page na nagsasabing ang unyon ng mga kawani sa Senado ang diumano’y “mata” at “tenga” ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at ng National Democratic Front (NDF).

Nauna nang sinabi ni Sotto na maaaring “misinformed” lang si Monteagudo.

“He sent word saying they are just telling our people that the CPP has tentacles even in the halls of the Senate [through] COURAGE, a CTG [communist terrorist group] organization,” pahayag ni Sotto sa mga reporter.

“I said I want NICA to give me the names of the employees and I will have them investigated,” ayon pa kay Sotto.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni Sotto, hindi pa nakakapagbigay ang NICA ng mga pangalan subalit iginiit nitong manananatiling confidential ito sa oras na isumite na sa kanya ang listahan ng mga kawani na pinaghihinalaang may koneksiyon sa rebeldeng grupo.

Kinastigo naman ng Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon (SENADO), ang anila’y walang basehan at mnalisyosong alegasyon ni Monteagudo.

Kinondena rin ng mga senador na kabilang sa minority bloc ang red-tagging sa union ng Senado.

“We strongly condemn the red-tagging of the union of Senate employees and we vehemently denounce government officials who continue to label, brand, vilify, and harass individuals and organizations such as Senado as state enemies and subversives,” sabi ng mga minority senator sa isang joint statement.

“We have been in the Senate long enough and we can attest that the Senado union never acted as the ‘eyes and ears of the CPP-NPA-NDF in the Senate to hijack plans and programs of the government,” dagdag pa ng mga senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.