Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto kay Morales: Superman `di kailangan sa Philhealth scam

0 483

Sinita ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president Ricardo Morales kaugnay ng pahayag ng huli na kahit si “Superman” ay hindi kayang linisin ang katiwalian sa ahensiya.

“Tanggalin mo lahat ng corrupt, hindi kailangan si Superman!” pahayag ni Sotto sa kanyang Twitter account.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos sabihin ni Morales sa panayam sa radyo na kahit si Superman ay hindi kayang talunin ang korapsiyon sa PhilHealth.

“Kahit si Superman paupuin mo dito, baka hindi n’ya kaya,” pahayag ni Morales sa panayam sa Teleradyo.

Pero sabi ni Sotto, kung seryoso lang aniya si Morales na alisin ang iregularidad sa PhilHealth dapat noon pa niya ginawa sa pamamagitan ng pagsibak sa mga tiwaling opisyal sa ahensiya.

“If you are dead serious about ridding your office of corruption, you should bring the ax on day one,” sabi ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.