Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Payo ng Thai coach: Sotto hasain pa talento

0 114

Pinaalalahanan ng Amerikanong coach na may hawak sa Thailand national men’s basketball team na si Chris Daleo ang kampo ni Kai Zachary Sotto na pagtuunan na lang muna ang kanyang talento at iwasan ang maraming asungot na humawak sa napakamura pa lang na basketball career.

Inihayag ng kilalang mentor sa kanyang social media account na @DaleoChris nitong Biyernes ang saloobin base sa kanyang mga karanasan, marami ring mahuhusay na nahawakang basketbolista pero bigla ring bumagsak dahil sa dami ng handlers.

“Over my years I coached great phenoms, Lenny Cooke and Ronnie Fields. Great players with unlimited potential, but many handlers. Sadly, with so many voices trying to dictate the direction of the player, hyping the player, and always jumping spot to spot, The players never made it,” giit ni Daleo.

SM food to go Banner Ad

Nagsentimyento rin marahil siya sa pumalpak na desisyon ng National Basketball Association (NBA) prospect, 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy phenom na si Sotto, na sumalto sa Ignite Team ng 20th NBA G League 2021.

Bumalik ang Las Pinas cagerpara sa national team na pa-30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiers third and final window, pero kinansela pati nang ilipat sa Doha dahil sa pandemic.

Kinuha ng Las Piñas baller na US handler ang Ohio-based management firm East West Private, na kinolekta na rin ang G League incentive ni Sotto para mawala ang amateur status, bawal nang maglaro sa US National Collegiate Athletic Association (NCAA) at sa maging sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.