Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto kinonsensya nagpalusot sa killer truck

0 130

Kinuwestiyon ni Senate President Tito Sotto III ang awtoridad na nagbibigay ng sertipiko para masiguro ang kaligtasan sa kalsada.

“4dead, 2cars, 4 Houses wrecked by a truck out of control. Paano nakakatulog yun nagbibigay ng cert of roadworthiness?” tweet ng senador nitong Biyernes.

Kaugnay ito ng nangyaring aksidente sa Nasugbu, Batangas na kinasawi ng isang pulis, isang bystander at ang pahinate at driver ng trailer truck na umararo ng tatlong sasakyan.

Nawalan umano ng preno ang truck nang sumapit sa pababang bahagi ng highway na sakop ng sitio Bayabaan, Brgy. Aga.

SM food to go Banner Ad

Sinagot naman ng mga netizen ang senador na tinuro ang umano’y korapsyon kaya nangyayari ang mga ganitong aksidente na tinuturing nang normal na nararanasan sa araw-araw.

Sabi ng isang netizen, “Tito Sen, we’re not sure if you get to experience normal Filipino lives but we see corruption all over — Traffic Enforcers, LTO, LGUs, Engineering Depts. You name it, us normal Filipinos are experiencing it on a daily basis.”

“Most of the times, ordinary Pinoys have to submit to such corruption or suffer further hassle. How is it connected to your truck? You can get a license, roadworthiness & registration for a fee without actually complying to the requirements.”

Dagdag ng isa pa, “Nasanay napo sa pulusutan? ang LTO kahit kumpleto bayad mo sa Rehistro wala na naman Sticker 2021?”

Hirit ng isa pa, “Focus on the solution. Speed limiter is a device designed to limit the speed of vehicle like truck, school bus etc.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.