Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto, Kouame pipigain vs Serbia

0 87

INAASAHANG masasabak sa matinding laban sina Kai Zachary Sotto at Angelo Kouame kontra host Serbia na binubuo ng nagtatangkaran na pares ng mga beterano sa National Basketball Association sa gaganapin na 2020 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.

Nahaharap sa tmatinding giyera sina Sotto at Kouame na kailangang tapatan ang NBA veteran na sina 7-foot-3 Boban Marjanovic na naglalaro sa Dallas Mavericks at 6-foot-10 Nemanja Bjelica ng Miami Heat sa una nitong laro sa Hulyo 1.

Si Marjanovic at Bjelica ay kapwa beteranong miyembro din ng Serbia na nakapaglaro sa 2019 FIBA World Cup na isang malaking bentahe nito kontra sa batang grupo ng Gilas na sasabak sa una lamang nitong qualifying event para sa kada apat na taong Olympics.

Tanging bitbit naman ni 7’4″ Sotto na nakabilang ito sa mga nagnanais makasama sa NBA sa naudlot na paglalaro sa G-League habang tanging ekspiriyensa ni Kouame ay ang paglalaro sa katatapos lamang na FIBA Asia Cup Qualifiers.

Kasalukuyang ikalima sa buong mundo, kinapos ang Serbia makuha ang direktang silya sa Olympic matapos mabigo na makatuntong sa semifinal ng 2019 FIBA World Cup kung saan nagwagi ang Spain at ikatlo na France ang mga nag-uwi sa silya na nakatakda para sa Europe.

Matatandaang sinimulan ng Serbia ang kampanya sa 2019 World Cup sa pagwalis sa apat nitong laro kabilang na ang 126-67 panalo sa Pilipinas.

Gayunman, nabigo sa sunod na dalawang laro sa naging finalist Spain at Argentina upang mapatalsik sa labanan para sa medalya.

Tinalo ng Serbians para makabangon ang Team USA at Czech Republic sa classification round para okupahin nito ang ikalimang puwesto sa torneo.

Kasalukuyan naman na ranked 39 ang Pilipinas na asam makapagtala ng importanteng panalo sa dalawa nitong laro upang maokupahan ang isa sa dalawang puwesto na uusad sa susunod na labanan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.