Abante Tonite Interactive

Sotto maglalaro sa Dubai

279

Lampas man sa timbang si Andray Blatche pagparito sa nakalipas na linggo, sinigurado naman nina Mighty Sports owner Alex Wongchuking at coach Charles Tiu na maibabalik ng naturalized player ang tamang porma para sa may siyam na araw na 2020 Dubai International Basketball Championship.

“We know how good a player he is, but he needs to be in excellent form because we will be again facing formidable teams from Lebanon and Middle East,” namutawi kay Tiu nitong Linggo ni Tiu sa koponan sa aalis ng Enero 21.

Sagaran na ang training ng Mighty Sports simula nang dumating si Blatche nitong nakaraang Huwebes sa team na naghahangag ng kampeonato sa torneong sisiklab simula sa Enero 23.

“With a good mix of young and veteran players in the team we are hoping we can at least finish in the top four,” dugtong naman ni Wongchuking na pinasalamatan din ang ayuda sa team ng Creative Pacific oni Bong Cuevas, Go For Gold, Oriental Game, at Gatorade.

Lilipad din naman para sa PH squad si 7-foot-2 Kai Sotto, na may dalawang araw upang magamay ang galawan sa koponan. Nasa kampo rin sina Renaldo Balkman, McKenzie Moore, Thirdy Ravena, Juan at Javi Gomez de Liano, Joseph Yeo, Beau Belga, Joaqui Manuel, Gab Banal, Jarell Lim, Dave Ildefonso, Jamie Malonzo, Mikey Williams, at Jelan Kendrick. (JAT)