Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto mas bet ni Cone

0 316

Kung papipiliin kina Kai Zachary Sotto, Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Kobe Lorenzo Paras, mas bet ni 23-time PBA champion coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone ang 7-foot-3 big slotman.

Isiniwalat ng Barangay Ginebra San Miguel mentor sa Spin Zoom In livecast Biyernes, na bata pa lang si Sotto ay namangha na siya sa taglay na tangkad ng basketbolistang tubong Las Piñas.

“Kai was about 6-3 or 6-4 and he was like 11 years old. And I almost fell down. He was amazing,” litanya ni Cone.

At sa kanyang mythical draft, pinili ng 63-year-old bench tactician ang incoming National Basketball League (Australia) rookie sa pagkampanya sa Adelaide 36ers.

Sey ni Cone. “Honestly, I’d have to go with Kai. You just don’t get a guy like that, 7-foot-3.” (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.