Abante Tonite Interactive

Sotto: Mga rape story ni Pepsi Paloma, fake news

By
891

Mariing inilahad kahapon ni Senate Pre­sident Vicente Sotto III na ‘fake news’ ang mga lumabas na artikulo hinggil sa pagkakasangkot niya sa umano’y rape at pagkamatay ni ’80s star Pepsi Paloma.

“To me, these are disinformation. Once people know what is true, they’ll see it’s not. I have decided to brush them aside and not pay attention to this type of disinformation, ‘yan mga ‘original fake news,’” saad ng senador nang kapanayamin ito.

Nauna rito’y hiniling ni Sotto noong nakaraang buwan na tanggalin ang mga artikulo na may titulong, “The Rape of Pepsi Paloma,” “Was Pepsi Paloma murdered?” at “Tito Sotto denies whitewashing Pepsi Paloma rape case” mula sa website na Inquirer.net, online platform ng Philippine ­Daily Inquirer (PDI) broadsheet.

Opisyal naman itong inalis online noong July 4 kasabay nito’y binigyan-diin ng Senate pre­sident na ang ‘pagbura’ sa mga artikulo sa internet ay “perhaps helped in settling the noise because it’s fake news.”

Nakaladkad ang pa­ngalan ni Sotto sa isyu matapos ang umano’y pagpilit nito kay Paloma sa pagpirma ng affidavit of desistance upang ipatigil ang kasong rape laban sa tatlo.

Magugunitang pumutok ang balita tungkol sa umano’y gang-rape kay Paloma noong 1982 matapos maakusahan sa paggamit ng drugs at panggagahasa sa aktres ng mga ko­medyanteng sina Joey de Leon, Vic Sotto, at Richie D’Horsey.