Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto: Napagbintangan na kandidato pa-drug test

0 45

Hinamon ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang mga kapwa kandidato sa 2022 elections na napapagbintangan na gumagamit ng droga na magpa-test.

Ginawa ni Sotto ang hamon kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential candidate na gumagamit umano ng cocaine.

“Pagdating sa isyu ng droga, kung ang kandidato ay napapagbintangan, gusto mo bang maging government official ang lumalabag sa batas? Kung ang kandidato napagbibintangang gumagamit eh `di magpa-drug test ka. Kami ngang `di napagbibintangan nagpapa-drug test kami,” ayon kay Sotto.

Kandidato si Sotto sa pagka-bise presidente sa nalalapit na halalan sa Mayo 2022.

Kinasahan din ni Sotto kung hihilingin umano sa kanila na magpa-drug test ngayon.

SM food to go Banner Ad

“Kung may humiling sa amin na magpa-drug test ngayon gagawin naming, tapos two weeks before election gagawin din naming,” sabi ni Sotto.

Sa kabila nito, sinabi ni Sotto na dineklara na dati ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang mandatory drug test para sa mga kandidato.

“Sabi ng SC hindi constitutional dahil nakalagay lang sa constitution para maging kandidato ikaw ay Pilipino and know how to read and write,” pahayag ng senador.

Matatandaan na noong 2008 ay dineklara ng SC na labag sa Saligang Batas ang probisyon sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kung saan isasailalim sa mandatory drug test ang mga menor de edad na estudyante at mga kawani sa publiko at pribadong tanggapan.

“May nagkuwestiyon sa SC at `yong sa education at kandidato, binaril ng SC,” dagdag pa ni Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.