Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto ni-lockdown Senado, pinalinis sa virus

0 287

Isasailalim sa `complete lockdown’ ang Senado ngayong Martes, Marso 16, matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado na pumasok noong Lunes ng umaga.

“The Senate will be in complete lockdown tomorrow,” pahayag ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III matapos ihayag ang suspensiyon ng sesyon ng plenaryo Lunes ng hapon.

Bago ito, sinabi ni Sotto na isang empleyado mula sa Bills and Index Office ang nagpositibo sa COVID-19.

“He knew that his wife was positive, he attended the office this morning and they found out that he was not feeling well. They brought him to the hospital, he tested COVID-19 positive,” sabi ni Sotto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, walang sesyon ang Senado sa Martes at ipagpapatuloy na lamang sa Miyerkoles.

Tuloy naman ang pagsasagawa ng mga virtual hearing na nakatakda ngayong Martes.

Nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong kawani ng in-house catering sa Senado dahilan para isara ang executive lounge at canteen ng kapulungan sa loob ng 14 araw. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.