Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto out sa Asia Cup

0 38

Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa parating na Agosto 17-29.

Ito ang ipinaalam ng kampo ng 19-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom na dinahilan ang commitment na niya para sa Adelaide 36rs sa nalalapit na 44th National Basketball League-Australia 2021-22 opening.

Ang kagayang dahilan din ang pumigil sa basketbolista na sumama sa Gilas national training pool bubble camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup final at sa King Abdullah Cup sa Amman, Jordan sa July 26-August 3 .

Nakatakdang umalis ang koponan ngayong linggo pa-Jordan na binubuo nina Ange Kouame, Dwight Ramos, SJ Belangel, Isaac Go, RJ Abarrientos, Justine Baltazar, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo, Jordan Heading at Geo Chiu. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.