Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto: Party-list `wag lusawin, ayusin lang

0 53

Ayaw ni Senador Vicente `Tito’ Sotto III na lusawin ang party-list system sa bansa sa halip nais nitong baguhin na lamang ang batas para ibalik sa mga tunay na marginalized sector.

“My proposal is to amend the Party-list Law. Not to abolish them,” ani Sotto.

Kaya dapat aniyang makisama ang mga party-list sa Kongreso sa pagrepaso sa batas na ito para malaman kung alin talaga ang tamang gawin.

“They are ¼ of the Congress. So, siguro naman kung ano ang tama, susundin ng karamihan ng mga members ng House of Representatives. Iyon ang maganda,” sabi ng senador.

Inihayag nito na binubuo na niya ang panukalang batas ukol sa pagrepaso sa Party-list Law at pagkatapos ay rerebyuhin naman ng kanyang legislative staff at maaaring maihain na sa Lunes.

Sa tanong kung ano may iba pang party-list group na maaaring isama sa kanyang panukala, sinabi ni sotto na mayroong itinakdang qualification sa binabuo niyang panukala.

“Well, right now, may mga qualifications na dina-draft pa kami. I cannot say with certainty kung anu-ano ito. But then again, babalikan natin ang tunay na marginalized. Iyon muna,” ani Sotto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.