Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto praktis na sa Gilas

0 77

Dumating na sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga Linggo ang Gilas Pilipinas, karay-katay si Kai Zachary Soto para sa third and final window ng 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers 2021 sina Kai Sotto.

Bukod sa Australia’s National Basketball League (NBL)-bound 19-year-old, 7-foot-3 center , ilan sa inaasahang teammates niyang nasa venue na rin sina Angelo Kouame, Dwight Ramos, Isaac Go, Mike Nieto, Javi Gomez de Liano, Justine Baltazar, William Navarro, Jaydee Tungcab, Jordan Heading, Tzaddy Rangel at iba pa.

Sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna nag-bubble training camp ang national men’s basketball pool, samantalang halos nag-two-week quarantine muna ang Pinoy cage phenom bago nakasama sa Gilas.

SM food to go Banner Ad

Sa parehas na araw, itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin bilang national coach ng Pinoy quintet sa Asia Cup Qualifiers, ibinaba sa assistant coach si Jong Uichico.

Makakaharap ng Gilas sa apat na araw na torneo sa Clark hoopfest ang South Korea sa Hunyo 16 at 20 at Indonesia sa Hun. 18 sa misyong ma-sweep ang three games, bilang preparasyon din sa June 29-July 4 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia sa June 29-July 4. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.