Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto puwede sa Gilas

0 213

UMAASA si Kai Zachary Sotto na makakalaro para sa Gilas Pilipinas sa next window ng 2021 International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup qualifiers sa darating na Pebrero sakaling tapikin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI).

Pero nakasalalay pa rin iyon sa hindi pagtatama ng schedules niya sa select squad Ignite na lalahok sa 19th National Basketball Association G League 2021 sa Estados Unidos

“I think [there’s a] higher probability for me to play in this upcoming window but it also depends on the schedule because they said we might have G League next year,” pahayag nitong Huwebes ng Pinoy baller sensation.

Kakapatumba lang Pinoy quintet na kinatawan ng all-cadet Gilas sa Thailand sa nakaraang buwan sa Manama, Bahrain para sa 3-0 win-loss record. Kinukunsiderang sa Pampanga ang next Fiba games. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.