Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto sa mga kontra child car seat law: Basa muna bago satsat

0 184

Ipinagtanggol ni Senate President Vicente Sotto III ang batas na nag-aatas sa paggamit ng child restraint system o car seat para sa mga bata.

Sabi ni Sotto, ang misinterpretation ng probisyon ng batas na ito ay hindi dapat maging dahilan ng pagpapaliban ng implementasyon. Ayon sa senador, susuportahan niya ang pagpapaliban ng pagpapatupad ng RA 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act, dahil sa epekto ng pandemya kung saan karamihan sa mga tao ay walang dagdag na kita.

Pero sabi niya, “If the reason for the postponement is not due to the pandemic but that the law is being misinterpreted, that I cannot support.”

Binatikos din ni Sotto ang mga social media user na nakakadagdag sa misinterpretation ng ilang probisyon ng naturang batas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Merong nagsasabi na paano raw anak niya 11 years old lang e 5’8”. E di hindi kailangan! Common sense,” diin ni Sotto.

“The law says combined, the age and the height. Ganun e. Tsaka weight. Maliwanag doon,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.